Home HOME BANNER STORY P500 Noche Buena? DTI binanatan ng Makabayan bloc sa ‘insultong’ pahayag

P500 Noche Buena? DTI binanatan ng Makabayan bloc sa ‘insultong’ pahayag

337
0

MANILA, Philippines – Nagulat at nagalit ang mga miyembro ng Makabayan bloc matapos sabihin ng isang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat na raw ang ₱500 para sa Noche Buena ng isang pamilyang Pilipino.

Ayon sa DTI Secretary Cristina Roque, kaya raw makabili ng ham, macaroni salad, at spaghetti sa ₱500—depende sa dami ng kakain.

Ito ang agad na ikinainis nina Rep. Antonio Tinio (ACT Teachers), Rep. Sarah Elago (Gabriela), at Rep. Renee Co (Kabataan).

Tinutulan ni Tinio ang pahayag ng DTI, at sinabi niyang insulto ito sa mga pamilyang Pilipino.

“Anong klaseng Pasko yan—konting noodles, itlog, at tubig na lang?”

Dagdag pa niya, nakakadagdag sa insulto ang timing, dahil lumalabas umano ang balita tungkol sa malaking korapsyon sa 2025 national budget.

Ayon kay Tinio, habang nalulunod sa kickbacks ang mga kurap na opisyal, pinipilit naman daw ng gobyerno na tanggapin ng taumbayan ang paghihigpit ng sinturon.

Sabi naman ni Elago, malayo sa realidad ang pamahalaan, lalo na para sa mga kababaihang nagbabadyet ng pagkain.

Binanggit niya na mataas pa rin ang food inflation, tumataas ang presyo ng mga bilihin, at mababa pa rin ang sahod.

Giit niya, kung talagang gusto ng gobyerno na gumaan ang Pasko ng pamilya, dapat alisin ang 12% VAT sa mga pangunahing bilihin—hindi ang pagsasabing sapat ang ₱500.

Para naman kay Co, ang mga kurap dapat ang sapilitang mamasko gamit ang ₱500 na Noche Buena, hindi ang ordinaryong mamamayan.

“Dapat ang mga korap ang pagtiisin sa 500 pisong Noche Buena. Isoli ang ninakaw. Ibaba ang presyo. Itaas ang sahod.”

Sinabi rin niyang marahil hindi nararamdaman ng gobyerno ang pagtaas ng presyo dahil “umuulan pa ng kickback,” na tumutukoy sa isyu ng flood control projects. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here