Home METRO P500K toy collection tinangay ng driver-messenger sa apo

P500K toy collection tinangay ng driver-messenger sa apo

MANILA, Philippines -Tinangay ng isang driver-messenger ng isang kompanya ang mamahaling toy collection ng amo nito sa Cainta, Rizal.

Sa ulat, aabot sa P500,000 ang halaga ng tinangay na toy collection na inilagay ng suspek sa isang malaking kahon mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali.

Matapos mailagay sa kahon ay inilagay naman umano ito ng suspek sa isang pushcart, idinaan sa elevator at nailabas mula sa gusali nang dumaan sa ground floor.

Bukod sa kahon, may dala rin itong itim na trash bag.

Sa imbestigasyon, ang driver-messenger ay empleyado na ng kompanya mula pa noong 2022.

Inilapit na sa mga awtoridad ang insidente at sinabi na posibleng maharap sa kasong qualified theft ang suspek.

Nanawagan naman ang Cainta Police sa publiko na makipagtulungan ang sinumang maaaring nakabili ng mga nakaw na laruan.

Nagbabala rin ang pulisya na maaaring makasuhan ng paglabag sa Anti-Fencing Law ang sinumang bibili ng nakaw na gamit. RNT/JGC