MANILA, Philippines – Nakapagtala ng minor phreatic eruption sa Bulkang Taal nitong Sabado ng gabi, Pebrero 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang pagsabog ay naitala mula sa main crater ng bulkan at tumagal ng tatlong minuto at 27 segundo ang haba.
Umabot ng 900 metro ang taas ng mahinang plume mula sa crater.
Samantala, naitala rin ang tatlong volcanic tremor na mula apat hanggang 12 minuto ang haba.
Habang naglabas ang Bulkang Taal ng 407 tonnes ng sulfur dioxide.
Nakataas ang Alert Level 1 na babala sa bulkan. RNT/JGC