Home HOME BANNER STORY Campaign video message ni Quiboloy, may court approval – Torreon

Campaign video message ni Quiboloy, may court approval – Torreon

MANILA, Philippines – Dumipensa ang kampo ng self-appointed son of God, at ngayon ay nakakulong na si Apollo Quiboloy, sa pagrecord nito ng video message para sa kanyang senatorial campaign rally kick-off.

Ito ay makaraang kwestyunin ng Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA), kung bakit pinayagan ng korte si Quiboloy na makapag-rekord ng video para sa kanyang kampanya.

“[t]he court order allowing Pastor Apollo Quiboloy to record his video message happened only after a tedious hearing that was conducted where the court heard our side and the vehement objections filed by the Prosecution,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon.

Ipinagbabawal kasi ng Bureau of Jail Management and Penology ang paggamit ng mga camera o anumang recording device sa loob ng jail facilities, maliban sa duly-issued cameras o kung may permiso ng korte.

Si Quiboloy kasi ay kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail matapos akusahan ng human trafficking, at child at sexual abuse.

Anang SELDA, ipinapakita lamang sa video message ni Quiboloy ang “VIP treatment” at “double standards” sa mga “powerful and influential people like Quiboloy.”

Sa kabila nito, sinabi ni Torreon na si Quibioloy ay nananatiling “accused, hence, his guilt has not been proven beyond reasonable doubt.”

Dagdag pa, “Quiboloy enjoys the presumption of innocence and his civil and political rights should still be intact under the law and protected under the 1987 Constitution.” RNT/JGC