Home METRO P54.4-M tobats nakumpiska sa buy-bust ops sa Cebu

P54.4-M tobats nakumpiska sa buy-bust ops sa Cebu

224
0

CEBU, Philippines – Naaresto ng PDEA Cebu Provincial Office, katuwang ang PDEA 7 Intelligence Section, Naga City Police, PNP Drug Enforcement Group, at iba pang ahensya, ang isang target-listed drug personality na si alias Clifford, 47, kasama ang kanyang tatlong kasabwat sa isang buy-bust operation sa Sitio Suba, Barangay Tuyan, Naga City, Cebu bandang 11:25 p.m. noong Enero 13, 2025.

Kasama sa naaresto ang tatlong kasabwat na sina alias Maricel, 39, walang trabaho, mula Barangay Tuyan, Naga City; alias Joseph, 52, driver, mula Barangay Looc, Mandaue City; at alias Barbara, 29, online seller, mula Barangay Umapad, Mandaue City

Nasamsam sa operasyon ang 8 na pakete ng shabu na tinatayang 8 kilo at may market value na P54.4 milyon, buy-bust money, ATM at identification cards, 7 mobile phones, at 1 unit na four-wheel motor vehicle.

Ayon sa batas, ang pagbebenta ng dangerous drugs, kahit gaano kalaki o kaliit, ay non-bailable at may parusang life imprisonment at multa na P500,000 hanggang P10 milyon. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here