Home NATIONWIDE P55/kilo rice MSRP kasado sa Peb. 5

P55/kilo rice MSRP kasado sa Peb. 5

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes ang pagbaba sa maximum suggested retail price (MSRP) para sa imported rice, sa layunin ng ahensyang ibaba pa ito.

Ayon kay DA assistant secertary Arnel de Mesa, ang MSRP ay kasado sa P55 kada kilo epektibo sa Miyerkules, February 5, mula sa kasalukuyang P58 per kilo.

Ani De Mesa, sa briefing sa Quezon City, bagama’t ang MSRP ay para lamang sa Metro Manila, palalawigin ito sa nationwide coverage simula February 15.

“After this reduction, we plan to lower it further to P52 a kilo by mid-February and then at P49 per kilo two weeks after. This should reflect the lower global prices of rice and the reduced tariff,” hiwalay na pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.

Kasunod ito ng pagbaba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ilalim ng Executive Order 62, noong nakaraang taon sa tariff rates para sa bigas sa 15% hanggang 2028 mula sa nakaraang 35%.

Nauna nang sinabi ng DA na magsasagawa ito ng monthly review ng MSRP ng premium imported rice na walang mahigit 5% broken grains, naglilimita sa profit margins ng importers, traders, at retailers sa P10 per kilo. RNT/SA