MANILA, Philippines- Nagsasagawa ang air forces ng Pilipinas at ng United States ng joint patrols sa South China Sea, ayon sa tagapagsalita ng Philippine Air Force nitong Martes.
Gumugulong ang one-day exercise sa West Philippine Sea, ayon kay Philippine Air Force spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, gamit ang tawag ng Manila para sa katubigan sa South China Sea na saklaw ng exclusive economic zone nito.
Sinabi ni Castillo na dalawang FA-50 fighter aircraft ng Pilipinas ang kalahok, kasama ang dalawang U.S. B1-B bombers. RNT/SA