Home NATIONWIDE P59M lotto jackpots ‘di napanalunan

P59M lotto jackpots ‘di napanalunan

MANILA, Philippines – Hindi napanalunan ang P53.07-milyong jackpot ng Superlotto 6/49 noong Huwebes, Hunyo 5, ayon sa PCSO.

Ang winning numbers ay 37-11-28-41-35-12.

Wala ring nanalo sa P5.94-milyong jackpot ng Lotto 6/42 na may kombinasyong 10-40-34-12-36-16.

Huling napanalunan ang Superlotto noong Abril 29, habang ang Lotto 6/42 ay noong Hunyo 3.

Gaganapin ang susunod na Lotto 6/42 draw sa Sabado, at ang Superlotto 6/49 sa Linggo. RNT