MANILA, Philippines – Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng 24 oras ang low-pressure area (LPA) na nasa 1,120 km silangan ng hilagang-silangang Mindanao, ayon sa PAGASA.
Bagama’t mababa ang tsansa nitong maging bagyo, maaaring magdala ito ng pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa silangang Visayas at Mindanao.
Apektado rin ng habagat ang ibang bahagi ng bansa, na magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Negros Island, Zamboanga Peninsula, BARMM, at Quezon.
Posibleng magkaroon ng mga panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha. RNT