Home HOME BANNER STORY P6.793T proposed 2026 budget isinumite na sa Kamara ng DBM

P6.793T proposed 2026 budget isinumite na sa Kamara ng DBM

338
0

MANILA, Philippines – Pormal nang isinumite ngayong umaga ng administrasyong Marcos ang 2026 P6.793 trilyong National Expenditure Program (NEP) sa pamamagitan ni Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman.

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagtanggap sa NEP kabilang ang iba pang mga opisyal na sina House Deputy Speaker Jayjay Suarez, Majority Leader Sandro Marcos, House Minority Leader Marcelino Libanan, at Rep. Mikhaela Angela Suansing, chairperson ng House Committee on Appropriations.

Nangunguna sa may pinakamalaking badyet ay ang Department of Education na napaglaanan ng P928 bilyon, at DPWH na P881.31 bilyon.

Ang confidential funds ay pinaglaanan ng kabuuang P10.77 bilyon kung saan ang nangunguna sa may malaking pondo ay ang Office of the President sa halagang P4.5 bilyon.

Sinabi ni Speaker Romualdez na “a budget is not just a spending plan—it is a mirror of our priorities and a measure of our accountability to the people. And because this is the people’s money, the process of crafting it must be transparent, inclusive, and worthy of public trust.”

Banggit pa ng mambabatas na simula aniya sa taong ito ay mayroong mga reporma na ipatutupad.

“That is why, beginning this year, the House will implement important reforms.Bukas ang talakayan. Lahat ng amendments, alam ng mamamayan. Kung pera ng taumbayan ang pinag-uusapan, dapat taumbayan din ang nakakaalam.”

Kinumpirma rin ng speaker ang pagbuwag sa “small committee” na binuo para sa mga nagdaang taon upang siyang lumagom sa institutional amendments.

Kabilang sa repomang ito ay ang pagbubukas ay ang pagbubukas sa House-Senate conference, ang pag-imbita sa mga civil society, people’s organizations, at pribadong sektor sa mga budget hearings, ang pagpapatatag sa House oversight function sa pagpapatupad ng budget at ang pag-prioritize sa mga investment na makatutulong sa mga Pilipino.

Giit pa ni Romualdez na, “we are not meant to slow the process – they are meant to make it better, stronger, and more trusted. Kapag malinaw ang proseso, malinaw din ang tiwala.” Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here