URDANETA CITY, Pangasinan – Umabot sa 18 katao na pinaniwalaang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot matapos mahuli ng mga otoridad sa pagsalakay sa isang tiangge o drug den sa magkahiwalay nanoperasyon sa heart of Caviganan, Aruego Street, Zone 5, Brgy. Poblacion, Urdanete City, Pangasinan.
Sa pagsalakay ng mga otoridad ay narekober ang apatnaput anim (46) plastic sachets na naglalaman ng 88.13 grams na pinaniniwalaang shabu na may market value na ₱599,284.00 at drug paraphernalia kabilang ibat-ibang uri ng mobile phones na ginagamit sa kanilang pagbebenta at paggamit ng illegal na droga.
Ayon kay Regional Director Julius M. Paderes Director ng PDEA Region I, ang High Impact Operasyon ay bunga ng tip mula sa isang concerned citizen, na agad namonitor at na-verify ng PDEA kasama ang kapulusan ng Urdaneta City Police Station, RDEU, PDEU at iba pang hanay ng kapulisan sa rehiyon sa pagsalakay sa mga kuta ng mga pinaniwalaang adik sa droga.
Nahaharap ang mga suspek na may kinalaman sa Republic Act 9165 Section 6 (Maintenance of a Den), Section 7 (Employees and Visitors of a Den), Section 10 (Manufacture/Possession of Equipment), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) and Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco