Home HOME BANNER STORY P642M floating shabu winasak ng PDEA

P642M floating shabu winasak ng PDEA

LAOAG CITY– Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agenct ang nasa P642.38 milyong halaga ng iligal na droga na sinunog nitong Lunes, Hulyo 8, sa Angels Crematorium public cemetery sa Don Lorenzo Querubin, Caoayan, Ilocos Sur.

Ang nasabing mga kontrabando ay ang mga natagpuan ng mga mangingisda na mga floating shabu sa karagatan ng Ilocos Sur noong huling linggo ng Hunyo 2024 sa tatlong magkahiwalay na okasyon.

Ang proseso ng pagsira at mga pamamaraan ay isinapubliko sa kahilingan ng mga alkalde ng Ilocos Sur para sa transparency.

Sinaksihan ito ng mga opisyal ng gobyerno ng Ilocos Sur, mga kinatawan ng Department of Justice, at iba pang stakeholders.

Sinabi ni PDEA-1 Administrative Division chief Atty. Marvin Tavares na ang aktibidad ay alinsunod sa Republic Act No. 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002′”, ang Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 1, series of 2002, at ang direktiba ni PDEA Director General Moro Virgilio M. Lazo na agad na wasakin ang mga narekober na droga para maiwasan ang pagnanakaw at pag-recycle.

Nagpasalamat si Ilocos Sur Governor Jeremias Singson sa PDEA sa kanilang pangako sa kanilang trabaho at sa katapangan at integridad ng 12 mangingisdang sumuko sa ilegal na droga.

Sinabi ng Ilocos Police Regional Office (PRO-1) nitong Lunes na nakumpiska nito ang kabuuang PHP556 milyong halaga ng shabu at marijuana sa iba’t ibang anti-illegal drugs operations nito katuwang ang iba pang law enforcement agencies noong Hunyo. Santi Celario