Home NATIONWIDE P66-M lotto jackpots mailap

P66-M lotto jackpots mailap

MANILA, Philippines – Walang bettor ang maswerteng nanalo sa alinman sa mga major draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Miyerkules ng gabi, Agosto 2.

Sinabi ng PCSO na walang manlalaro ang nakahula sa 46-38-43-04-08-17 Grand lotto 6/55 winning combination para sa premyong nagkakahalaga ng P36,680,029.40.

Katulad nito, walang nanalo para sa Mega Lotto 6/45, na may jackpot prize na P29,337,617 na may lucky digit combination na 20-10-18-39-14-16.

Ang susunod na Grand Lotto 6/55 draw ay sa Agosto 5, habang ang Mega Lotto 6/45 ay sa Agosto 4. RNT

Previous articleDigong ibinulong kay PBBM mga napag-usapan nila ni Xi
Next articleWinasak ni Egay sa agrikultura higit P3-B na!