Home NATIONWIDE P7.3M marijuana nasabat sa checkpoint sa Benguet

P7.3M marijuana nasabat sa checkpoint sa Benguet

216
0

SAN GUILLERMO, Isabela – Umaabot sa P7.3 milyong halaga ng marijuana sa isang Toyota Hilux na kulay itim ang nasabat sa checkpoint operation ng mga pulis sa Kibungan, Benguet.

Sa ilalim ng pamumuno ni PNP Acting Chief PLtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., patuloy na pinatitibay ng PNP ang operasyon sa mga lalawigan upang masigurong handa at mabilis kumilos ang mga frontline unit laban sa ilegal na aktibidad.

Nagsasagawa ng checkpoint ang Kibungan Police malapit sa Municipal Hall sa kahabaan ng Bado Dangwa National Road mula 7:40 ng gabi ng Disyembre 11 hanggang 3:40 ng madaling araw ng Disyembre 12 nang hindi huminto ang isang itim na Toyota Hilux. Agad itong hinabol at naabutan sa Sapdaan, Sagpat, Kibungan, kung saan napansin ang mga pakete ng hinihinalang marijuana sa loob ng cabin.

Inaresto ang driver, isang 30-anyos na residente ng Benguet.

Narekober mula sa sasakyan ang 61 tubular packs ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang bigat na 61,250 gramo at Standard Drug Price na ₱7,350,000.

Kumpiskado rin ang pickup, isang cellphone, remote key, belt bag, at isang brown envelope na naglalaman ng mga dokumento ng sasakyan. Isinagawa ang inventory sa lugar sa presensya ng media at barangay representative, gamit ang tatlong alternatibong recording devices.

Dinala ang suspek at ebidensya sa Kibungan Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here