Home NATIONWIDE P70-B yaman ng Marcoses, sakop ng 67 nakabinbing ‘ill-gotten’ wealth cases —PCGG

P70-B yaman ng Marcoses, sakop ng 67 nakabinbing ‘ill-gotten’ wealth cases —PCGG

1
0

MANILA, Philippines — Mahigit P70 bilyong halaga ng mga ari-ariang iniuugnay sa umano’y ill-gotten wealth ng pamilya Marcos ang sakop ng 67 kasong nakabinbin sa mga appellate court, ayon sa Presidential Commission on Good Government (PCGG).

“About 67 cases, which are pending in the appellate courts, ang halaga po niyan mga more than P70 billion pa,” sinabi ni PCGG Chairperson Melchor Sadang sa pagdinig ng House Committee on Appropriations.

Gayunman, inamin ni Sadang na nahihirapan ang ahensya sa ilang kaso dahil may mga kompanyang lumabas na hindi rehistrado o hindi na operational, habang wala na rin ang ilang kinakailangang testigo.

“We have to be candid with the court by stating that we are no longer presenting evidence,” aniya.

Tinanong din si Sadang kung hindi ba alanganin para sa kanyang pamunuan na imbestigahan ang pamilya ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang nagtalaga sa kanya.

“Awkward po, pero trabaho po ’yan,” tugon niya. Iginiit niyang hindi umano nanghimasok o nagbigay ng pressure ang Pangulo at ang kanyang pamilya sa PCGG.

Ayon sa datos na binanggit sa pagdinig, umabot sa P182 bilyon ang cash recoveries ng PCGG mula 1986 hanggang 2024.

Itinatag ang komisyon upang mabawi ang ill-gotten wealth na nakalap umano ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ng kanyang pamilya at mga kaalyado sa panahon ng kanyang administrasyon.

Isinusulong din ni Sadang ang pagpapalawak sa mandato ng PCGG upang masaklaw ang lahat ng opisyal ng pamahalaan, ngunit kailangan aniya itong pagtibayin sa pamamagitan ng batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here