MANILA, Philippines – NADAKIP agad ng mga pulis Parañaque ang tatlo sa mga suspek sa armed robbery ng nasa P780,000 cash at P 400,000 halaga ng alahas sa Multinational Village, Parañaque City, dakong 12:30 madaling araw ng Oktubre 30, 2024.
Sa report Kay Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director, anim na kalalakihang suspek ang biglang pumasok sa parking lot ng bahay sa intersection ng Matthew Street at Multinational Avenue.
Dalawang Chinese nationals at apat na Filipino stay-in sa bahay ang tinutukan ng baril, saka itinali ng duct tape, bago ang iba naman ay itinali ang in-house security guard na si S/G Julius, at nagtungo at niransack sng master’s bedroom.
Pinwersa ang primary victim na si Lin, Chinese national, na buksan ang vault, upang tangayin ang tinatayang ₱700,000.00 cash, at ₱280,000.00 pa mula sa pangalawang biktima na si Yu, Chinese National; bago tinangay din ang assorted jewelry na may halagang ₱400,000.00.
Sa mabilis na coordinated follow-up operations ng Parañaque City Police Station kasama ang intelligence at operational teams, natunton ang byahe ng sasakyan ng mga suspek.
Sa testimonya ng witness, nakilala ang isa sa mga suspek na alias Brian.
Sa mabilis pero matiyagang investigative efforts ng mga alagad ng batas, tatlong indibiduwal na sina alias Brian (38yo), John (33yo), at Jevic (29yo), pawang mga driver ang naaresto habang pinaghahanap pa ang tatlong iba pang suspek na kinilalang sina alias Ruel (40yo), Ramel (40yo) at alias Agustin (37yo).
Nahaharap ngayon sa piskalya ng Parañaque City sa kasong robbery ang mga suspek. Dave Baluyot