MANILA, Philippines – UMABOT sa P81 bilyon halaga ng mga nasamsam na kontrabando ang naitala ng Bureau of Customs (BOC) ngayong taon.
Ayon sa BOC, nasa kabuuang 1,537 na mga kontrabando ang nakumpiska ng mga tauhan ng BOC ngayong taon na halos dumoble mula noong 2022.
“Two years later, here we are, with results that speak for themselves. Under the visionary leadership of Commissioner Bienvenido Rubio and Deputy Commissioner Uy, the Intelligence Group has made remarkable strides in performance,” ani Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso.
“From 729 seizures worth PhP24 billion in 2022, we have now, in 2024, achieved an astounding 1,537 seizures with a total value of PhP81 billion—and counting,” dagdag pa ng opisyal.
Sa nasabing halaga, PP55 bilyon ay nagmula sa CIIS-Manila International Container Terminal.
“Good governance and effective measures against illicit trade have strengthened the organization’s collaborative efforts, enhanced border security, and facilitated smoother trade processes. With this in mind, I encourage you to build upon your progress and conclude the year with renewed dedication as we gear up for more years of excellence,” ani Rubio.
Pinuri naman ni Uy ang IG Intelligence Group para sa napakahalagang kontribusyon nito sa pagkamit ng misyon ng BOC na i-secure ang mga hangganan ng bansa mula sa ipinagbabawal na kalakalan at kontrabando at pangalagaan ang pag-unlad ng ekonomiya. JR Reyes