Home NATIONWIDE Suspensyon ng Abra gov at vice gov, binigyang katuwiran ni ES Bersamin

Suspensyon ng Abra gov at vice gov, binigyang katuwiran ni ES Bersamin

MANILA, Philippines – BINIGYANG KATUWIRAN ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang suspensyon laban kina Abra Governor Dominic Valera at kanyang anak na si Vice Governor Maria Jocelyn Valera-Bernos, sabay sabing ang kautusan ay alinsunod sa umiiral na batas at hindi isang arbitrary decisions.

Ang pahayag na ito ni Bersamin ay matapos na ihayag ng pamilya Valera ang apela kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makialam sa nagpapatuloy ‘political rift’ sa Abra.

“I am not personally aware of the appeal to the President. If there is one, the Valeras should accept that there is a process ongoing and they have been suspended in accordance with pre-existing (not whimsical) rules,”ayon kay Bersamin.

Inilagay ng Malakanyang si Valera sa ilalim ng preventive suspension sa loob ng 60 araw dahil sa paglabag sa Local Government Code.

Nag-ugat ang desisyon mula sa reklamo na inihain noong nakaraang taon laban sa mag-am ang Valera at kanyang anak na si Febes Palcon, asawa ni Bucay town councilor Juan Palcon, na pumanaw dahil sa sakit noong 2023.

Sinabi ni Palcon na ang mag=lamang Valera ay lumabag sa Local Government Code nang maglagay ang mga ito ng iba pang tao para palitan ang kanyang asawa, ‘when the law provides that the party of the deceased member should name a replacement.’

Samantala, sinuspinde si Bernos ng 18 buwan matapos na matuklasan na guilty ng “oppression, abuse of authority, conduct unbecoming of a public official, and disobedience to government policies’ na may kaugnayan sa pagpapatupad community lockdown na nakaapekto sa hospital services sa panahon ng pandemiya noong 2020.

Habang pinabulaanan ng mag -ama ang akusasyon laban sa kanila, sinabi ni Bersamin na ang preventive suspension ay alinsunod sa legal procedures na dinisenyo para pigilan ang gobernador mula sa pag-impluwensiya sa mga testigo sa panahon ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

“The vice governor earlier resorted to judicial remedy, but her resort failed because of her own blunder,” ang sinabi ni Bersamin.

“It is time for the Valeras to man up. They have been unchecked for a long time because of their money and illegal use of influence. Now is the time for justice to be meted [out] in favor of the people they have aggrieved for a long time. Accountability is at last staring them in the face.”aniya pa rin.