MANILA, Philippines – IBINAHAGI ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio na umabot sa kabuuang P85.167 bilyon halaga ang kanilang mga nakumpiskang iba’t-ibang klase ng mga ismagel na produkto noong nakaraang 2024.
Ayon kay Rubio, ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang nagsisilbing intelligence at investigation arm ng BOC ng halos nasa apat na dekada na isa sa mga dahilan kaya’t napipigilan ang pag ismagel ng mga iligal na produkto sa bansa.
“In 2024 alone, the Bureau of Customs apprehended a total of P85.167 billion worth of smuggled goods – another record-breaking and unprecedented anti-smuggling accomplishment in the history of the Bureau of Customs,” paliwanag ni Rubio.
Binigyang-diin din ni Rubio ang pangangailangan para sa patuloy na pagbabantay laban sa mga iligal na gawain partikular na ng mga criminal organizations.
“We anticipate the same or an even better performance from our CIIS. Recognizing that the challenges we face are evolving, we must reinforce our anti-smuggling drive, bearing in mind that safeguarding our society is paramount,” ayon pa kay Rubio. JR Reyes