Home METRO P8M marijuana winasak sa Kalinga

P8M marijuana winasak sa Kalinga

MANILA, Philippines- Tinatayang P8 milyong halaga ng marijuana plants ang iniulat na winasak ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group sa Kalinga nitong Linggo.

Sa ulat, nadiskubre ng units ng PNP-DEG at ng Kalinga police ang marijuana plantation sa bulubunduking bahagi ng Barangay Loccong, Tinglayan last March 27.

Ayon kay Police Col. Rolando Cuya Jr, officer-in-charge ng PNP-DEG, natuklasan ng mga awtoridad ang 40,000 marijuana plants sa 4,000-square meters na lupain. Aniya, binubot at winasak ng mga awtoridad ang mga pananim.

Walang nahuling suspek sa lugar. RNT/SA