MANILA, Philippines – Magkakaroon ng magkahalong galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa ikalawang linggo ng Mayo matapos ipatupad ang rollback sa diesel at kerosene habang tataas naman ang presyo ng gasolina.
Ayon sa abiso ng Shell Pilipinas, epektibo alas-6 ng umaga ng Martes ang mga sumusunod na price adjustment:
Bababa ng P9.57 kada litro ang diesel, tataas ng P0.47 kada litro ang gasolina, habang may bawas na P13.30 kada litro sa kerosene.
Sa ilalim ng state of national energy emergency, may kapangyarihan ang gobyerno na manghimasok sa galaw ng presyo ng langis. RNT