Home METRO P9.8M ismagel na sigarilyo sa van, naharang sa checkpoint sa Davao

P9.8M ismagel na sigarilyo sa van, naharang sa checkpoint sa Davao

MANILA, Philippines – Naharang ng mga awtoridad ang isang van na naglalaman ng mahigit P9.8 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa checkpoint sa Davao City.

Bigong makapagpakita ang drayber ng mga dokumento para sa cargo at patunay na nagtatrabaho ito sa isang courier company.

Ayon sa pulisya, sinabi ng manager ng courier company na hindi nila empleyado ang nahuling drayber at hindi sa kanila ang sasakyan.

Kalaunan ay umamin ang drayber at sinabing mga ismagel ang dala-dala niya.

Nahaharap ito sa reklamong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863).

Naiturn-over na ang mga nakumpiskang sigarilyo sa Bureau of Customs. RNT/JGC