Home NATIONWIDE P9B ilegal na droga winasak ng PDEA

P9B ilegal na droga winasak ng PDEA

Larawan mula kay Danny Querubin

MANILA, Philippines- Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P9,102,467,185 sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Trece Martires City, Cavite.

Sinabi ng PDEA na 2,435,619 gramo ng dangerous drugs na ebidensyang nakalap mula sa iba’t ibang operasyon ng law enforcement agencies ang hindi na kailangan sa korte.

“The pieces of drug evidence were destroyed through thermal decomposition or thermolysis. Exposed to temperatures of over 1,000 degrees centigrade, all dangerous drugs were completely decomposed or broken down, and are impossible to reconstitute,” pahayag ng PDEA.

Karamihan sa sinunog na ilegal na droga ay shabu, marijuana, at ephedrine.

Kabilang sa mga sinunog na droga ang 1.2 toneladang shabu nasabat sa April 15 checkpoint operation sa Alitagtag, Batangas.

“PDEA continues to practice the swift destruction of all confiscated drug evidence as soon as permitted by the courts,” pahayag ng ahensya. RNT/SA