Home NATIONWIDE Sa bantang ikukulong ang ‘trespassers’ sa SCS, Sen. Tol: DFA mghanda ng...

Sa bantang ikukulong ang ‘trespassers’ sa SCS, Sen. Tol: DFA mghanda ng legal na aksyon vs China

MANILA, Philippines- Nanawagan si Sen. Francis “Tol” Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) na maging handa sa mga ligal na aksyon laban sa China na nagbabantang ikukulong ang “trespassers” sa South China Sea (SCS), simula Hunyo 15.

Ang China ay may sigalot sa iba-ibang bansa tulad ng Brunei, Malaysia, Indonesia, Pilipinas, Taiwan, at Vietnam dahil sa malawak na pag-angkin sa SCS.  Nagsampa at nanalo ang Pilipinas ng kaso laban sa mga claim ng China sa International Court of Arbitration noong 2016, na nagpapatibay sa pag-angkin ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) na tinawag nitong West Philippine Sea. 

Nagbabala si Tolentino na ang plano ng China na ikulong sa loob ng 60 araw nang walang paglilitis ang sinumang mangingisdang mahuhuli malapit sa mga  inaangking teritoryo, simula Hunyo 15, tatlong araw pagkatapos ng pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan, ay magdudulot ng maraming paglabag.

“I am calling the DFA to really study several precedents on this. We have the case of three Ukrainian naval vessels detained by Russia, and in 2019, we have the illegal detention of Mexican nationals by the United States,” anang senador.

Sinabi ni Tolentino na dapat magkaroon ng plano ang DFA sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang pagkulong sa mga mangingisdang Pilipino at magamit ang Viena Convention on Consular Relations.

Dapat aniyang kunin ng DFA ang international bodies upang ihain ang kanilang concerns at hilingin sa China na ipaalam sa Pilipinas kung pinigil nila ang mga mangingisdang Pilipino. Dapat ding ipaalam sa kanilang mga pamilya ang ginawang pag-aresto.

Nagbabala si Tolentino na tiyak na uulanin ng krisismo ang China ng international community kung makukulong kahit isang mangingisdang Pilipino. RNT