Home METRO P9M marijuana sa Kalinga, sinunog!

P9M marijuana sa Kalinga, sinunog!

MANILA, Philippines – Sinunog at sinira ng mga awtoridad ang tinatayang aabot sa P9 milyong halaga ng marijuana sa Tinglayan, Kalinga.

Kaisa naman ang Philippine Coast Guard (PCG)-District North Eastern Luzon sa operasyon na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga Provincial Office.

Binunot at sinunog ang nasa 45,000 piraso ng tanim na marijuana sa 3,000 square meter area sa Tinglayan.

Pinuri naman ni CGDNELZN Commander, CG Captain Ludovico Librilla Jr ang mga tauhan ng coast guard na tumulong sa operasyon.

Kinilala rin niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng ibang ahensya, na nagpatunay sa kanilang pangako sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa komunidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRemulla sa NBI: Bomb threats via email sa gov’t agencies, imbestigahan
Next articleBulto-bultong ukay-ukay nasabat sa Sorsogon