Home SPORTS Pacquiao balik-ring sa Hulyo

Pacquiao balik-ring sa Hulyo

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni  World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman na muling sasabak sa laban sa ring retired Pinoy boxer Manny Pacquiao.

Ayon kay Sulaiman, sasagupain ng dating eight world division boxing champion si Mario Barrios para sa WBC welterweight title sa buwan ng Hulyo.

Nilinaw ni Sulaiman na noong  nakaraang taon pa ng umugong ang usapan na nagkakaroon na ng negosasyon sa pagharap ng dalawang boksingero pero hindi natuloy ang laban.

Matatandaang noong Agosto 2021 ang huling laban ni Pacquiao kung saan dinurog siya ni Yordenis Ugas ng Cuba at ilang buwan pagkatapos noon ay inanunsiyo niya ang pagreretiro.

Sa isang exhibition bout, lumaban ito sa Saitama, Japan ng three-round exhibition fight kontra kay  Japanese kickboxer at mixed martial artist Rukiya Anpo noong nakaraang taon.

Hawak ng 29-anyos na si Barrios ang advantage sa height na  6 foot at  may record itong 29 panalo, dalawang talo at isang draw na may 18 knockouts at nakuha nito ang WBC interim welterweight title ng talunin si Ugas sa pamamagitan ng unanimous decision noong Setyembre 2023.

Hinirang itong  full-pledge WBC champion  noong Hunyo 2024 ng umangat sa weight division si Terence Crawford.