Home OPINION PAG-QUALIFY SA MGA MIYEMBRO NG PAG-IBIG MULTI-PURPOSE LOAN MAS PINADALI

PAG-QUALIFY SA MGA MIYEMBRO NG PAG-IBIG MULTI-PURPOSE LOAN MAS PINADALI

MAS pinabilis ng Pag-IBIG Fund ang pag-qualify para sa mga miyembro at mas pinaganda ang Multi-Purpose Loan (MPL) nito upang mas malaki na ang maaaring mahiram ng mga miyembro, mas maikli na ang panahon upang mag-qualify, at mas maraming pagpipiliang repayment terms. Ayon sa ahensya, ang mga pagbabagong ito ay bunsod ng patuloy nitong pagtugon sa mga pa­ngangailangan ng mga miyembro nito.

Sa ilalim ng mas pinagbu­ting Pag-IBIG MPL, maaari nang makahiram ang mga miyembro ng hanggang 90% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Sa­vings, mas mataas ng 12.5% kumpara sa dating 80%.

Para sa mga miyembro di­nagdagan at inupgrade ang ka­nilang regular savings, lalo pang tataas ang kanilang loan amount dahil nakabase sa kani­lang ipon ang kanilang mahihiram.

Sa kabuuan, mas malaki ang maaaring matanggap ng mga miyembro mula sa MPL upang lalong makatugon sa kanilang pa­ngangailangan.

Ang mga pagbabagong ito ay nagdulot ng mas mataas na halaga at mas mabilis na eligibi­lity sa iba pang Short-Term Loan programs ng Pag-IBIG, tulad ng Health and Education Loan Programs (HELPS) at Calamity Loan.

Bukod sa mas malaking loan amount, mas pinaiksi rin ang panahon para maging eligible ang mga miyembro. Sa ilalim ng pinahusay na programa, ma­aari nang mag-loan ang mga aktibong miyembrong may 12 buwang hulog sa Pag-IBIG. Mas mabilis na ito kumpara sa da­ting requirement na 24 buwan. Dahil dito, mas maaga nang ma­kaka-access ng pondo ang mas maraming miyembro para sa kanilang mga agarang panga­ngailangan.

Samantala, ang mga miyembrong may existing loan sa ilalim ng dating guidelines ay maaari ring mag-apply muli sa enhanced MPL kung kailangan pa nila ng karagdagang cash dahil sa mas mataas na loan en­titlement. Ang mga pagbabagong ito ay magiging available simula Mayo 16.

Ang lahat ng ito ay dahil na rin sa pagpupursigi ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, Chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees at pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Deve­lopment.

“Ang mga pagbabagong ito ay tugon sa direktiba ni Pangu­long Marcos na gawing mas abot-kaya at accessible ang serbisyo pinansyal para sa kapwa natin Pilipino”.