Binasag ni Boxing legend Senatorial bet NINONG Manny Pacquiao ang pananahimik nitong Huwebes matapos lumabas ang pinakabagong pambansang survey na nagpapakita ng kanyang pagpasok sa “Magic 12” para sa 2025 Midterm national elections .
Sa panayam ng mga mamahayag, nagpasalamat si Pacquiao sa patuloy na tiwala ng mga Pilipino.
“Lubos akong nagpapasalamat at kasama tayo sa magic 12 at sa suportang ipinakita sa survey. Malaking bagay para sa akin na patuloy pa ring naniniwala ang ating mga kababayan sa aking kakayahang maglingkod,” ani comebacking senator Pacquiao.
Ayon kay Pacquiao, hindi niya binabalewala ang maagang resulta ng survey kaya kasama sa plano niyang gamitin ang mga natitirang araw ng kampanya para ihatid ang kaniyang mensahe at makipag-ugnayan sa mga komunidad at pakikinig sa mga hinaing; at pagbabalangkas ng isang legislative agenda na nakatuon sa kahirapan, pagpapaunlad ng sports, libreng edukasyon sa mga kabataan, abot-kayang healthcare at libreng pabahay sa maralita.
“Alam ko na ang mga survey ay pansamantalang larawan lamang at ang tunay na mahalaga ay ipakita sa tao na seryoso ako sa pagtulong, hindi lang puro salita”, sabi ni Ninong Pacquiao.
Kumbinsido si Pacquiao sa malinaw na mga polisiya na nais niyang gawin ang siyang aakit sa mga botanteng naghahanap ng konkretong plataporma at hindi lang kasikatan.
“Galing ako sa wala, at hindi ko kailanman malilimutan kung saan ako nagmula. Ang laban ko ay para sa mahihirap. Naranasan ko ang kanilang mga hirap, nais kong muli silang bigyang boses sa Senado—mas malakas, mas malinaw, at mas nakatutok.”dagdag pa ni Pacquiao.
Kasabay ng pagiging relatable ni Pacquiao at pagbabalik sa mga lugar sa bansa ang magpapatibay sa kanyang pwesto bilang isa sa mga nangungunang kandidato.
“Para sa mga patuloy na naniniwala sa akin salamat po. Para sa mga nagdududa, mas lalo po akong magsusumikap upang makuha ang inyong tiwala. Sa tulong ng Diyos. lalaban po tayo hanggang sa huling round ng kampanya at gusto ko marinig nyo po ang aking mensahe at plano.” RNT