Home NATIONWIDE Padilla umamin, gumagastos ng sariling pera sa People’s Initiative

Padilla umamin, gumagastos ng sariling pera sa People’s Initiative

MANILA, Philippines – Inamin ni Senador Robinhood Padilla na gumagastos siya ng sariling pera sa kanyang sariling effort sa Charter change sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Bago pa ang nagpapatuloy na signature campaign, umiikot na sa iba’t ibang lugar si Padilla upang ipakilala ang kanyang adbokasiya para sa unicameral form ng pamahalaan.

“I haven’t reached the point of soliciting signatures, but with my own money, I give contributions for graduation. Because I attend graduations, I speak there and give money for Jollibee treats,” pagbabahagi ni Padilla sa panayam ng ANC.

“That’s what I give to each student: It’s for your Jollibee – after I deliver my speech. And that is my own money, not government funds. However, I haven’t started collecting signatures yet. I’m not asking for any signatures. I’m not there yet,” dagdag pa niya.

Kalaunan ay nilinaw ni Padilla na ang paglalabas niya ng pera para sa transportasyon o pagkain ay hindi agad nangangahulugang vote-buying.

Aniya, magiging iba lamang ang kwento kung may magsabing may nakatanggap ng pera kapalit ng pirma para sa Cha-cha.

“But that’s already my practice even before I entered politics. I’ve been giving away my money. For me, blessings are meant to be shared with others,” anang senador.

“For example, when I’m at a graduation, I don’t explicitly say that I’m campaigning for PI. I just delivered a speech about the unicameral form of government, and they were shouting ‘blowout.’ Of course, I’m not insensitive not to provide a little Jollibee treat for them,” dagdag ni Padilla.

Si Padilla ang namumuno sa Senate Committee on Constitutional Amendments, na nauna nang dininig ang mga panukala na amyendahan ang 1987 Constitution.

Sa kabila nito, hindi ito nagpatuloy dahil bigong makakuha ang panel report ng kinakailangang mga pirma mula sa mga miyembro nito. RNT/JGC

Previous articleKahalagahan ng Maritime Zone Law, ipinaliwanag ni Tolentino
Next articleZombie, nakatapos ng nursing, mas bet ang showbiz!