Home ENTERTAINMENT Zombie, nakatapos ng nursing, mas bet ang showbiz!

Zombie, nakatapos ng nursing, mas bet ang showbiz!

Manila, Philippines – Gradweyt pala ng kursong nursing si Zombie Tugue.

Zombie, Daniel Oke sa totoong buhay, ay ang Nigerian content creator na dating regular na napapanood sa Sugod Bahay Kapatid sa dating E.A.T. sa TV5.

Dito sa Pilipinas nagtapos ng nursing ang Blakjak look-alike, ang nasirang half-Pinoy half-Jamaican King of Reggae.

Bata pa man daw ay hilig na ni Zombie ang larangan ng entertainment.

Back then, he knew he’d end up in showbiz na nangyari nga.

He took up nursing bilang pagbibigay na rin daw sa kahilingan ng kanyang mga magulang.

Back in Nigeria, isang accountant ang ama ni Zombie.

Nurse naman ang kanyang ina.

Taong 2021 pa siya nagtapos, pero 2019 nang simulan niyang maging content creator kung saan napansin siya.

To his credit, may konting ipon na rin daw siya.

In fact, shareholder daw siya sa isang resto rito, nakakapagpadala ng pera sa kanyang pamilya at nakapundar ng sariling sasakyan sa kauna-unahang pagkakataon.

Kung bakit matatas na siya sa pananagalog ay dahil na rin sa mga kaeskuwela niya sa nursing at sa tuwing magdyu-duty siya sa ospital.

Salamat din daw sa tulong ng Google ttanslate.

Kung dati’y mula sa average income family si Zombie ay gumanda na raw ngayon ang takbo ng kanyang buhay.

He claims to be a “polyglot” who takes interest in learning how to speak many languages.

Matalas at mabilis daw pumik-up ang kanyang utak.

To top it all, funny pa! Ronnie Carrasco III

Previous articlePadilla umamin, gumagastos ng sariling pera sa People’s Initiative
Next article1M bisita inaasahang daragsa sa Chinese New Year sa Maynila