Home NATIONWIDE PAF magpapatrolya pa rin sa WPS sa gitna ng ‘no trespass’ rule...

PAF magpapatrolya pa rin sa WPS sa gitna ng ‘no trespass’ rule ng Tsina

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Air Force (PAF) nitong Linggo na ipagpapatuloy nito ang pagbabantay sa West Philippine Sea sa pagpapatupad ng China sa polisiya na magbibigay-kapangyarihan sa China Coast Guard na iditene ang “foreign trespassers” sa South China Sea.

Sa isang panayam, sinabi ni PAF spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo na kahanay ng tungkulin ng air force ng bansa ang pagsasagawa ng maritime patrols sa territorial waters at features ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito.

“Patuloy lang talaga ang ating maritime patrol to ensure na namo-monitor natin lahat ng activities both in the air and on the sea, dito sa ating exclusive economic zone, pati na rin sa ating territorial waters,” pahayag ng opisyal.

 “China’s so-called anti-trespassing policy undermines the rule of law and international norms that govern maritime conduct. The presence and actions of its vessels in our waters are illegal, coercive, aggressive, and deceptive,” giit naman ng  Armed Forces of the Philippines (AFP).

Gayundin, nanindigan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa posisyon ng Pilipinas na walang basehan ang anti-trespassing policy ng China sa South China Sea, na saklaw ang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Hinikayat din ng PCG ang mga mangingisdang Pilipino na mangisda pa rin sa lugar sa kabila ng banta ng China. RNT/SA