MANILA, Philippines- Nag-abiso ang Air Defense Command ng Philippine Air Force (PAF) nitong Lunes sa mga residente sa Clark Air Base sa mas maraming jet flying operations sa mga susunod na araw dahil sa Exercise Cope Thunder 2025.
“These flight activities are part of coordinated training exercises designed to enhance interoperability, readiness, and air combat capabilities. Expect elevated jet noise levels as participating air assets conduct air operations,” pahayag ng PAF sa isang Facebook post.
Nitong Lunes, sinimulan ng PAF at ng United States Pacific Air Forces (PACAF) ang military exercise sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.
Kasado mula April 7 hanggang 18, isasagawa ang Cope Thunder Philippines 2025 sa Basa Air Base and Clark Air Base sa Pampanga at sa Colonel Ernesto Ravina Air Base sa Tarlac. RNT/SA