Home ENTERTAINMENT Pag-akyat ng kaso ni Daryll, pinagbunyi ng kampo ni Bossing!

Pag-akyat ng kaso ni Daryll, pinagbunyi ng kampo ni Bossing!

Manila, Philippines- Sampung libong piso ang itinakdang piyansa sa direktor na si Daryll Yap ng Muntinlupa Regional Trial Court.

Ang kaso’y nag-ugat sa reklamo ni Vic Sotto nitong January 2025 kaugnay ng inilabas na movie teaser ni Yap sa kanyang Facebook page.

Ang teaser ay mula sa pelikula niyang The Rapists of Pepsi Paloma.

Partikular na ipinunto ng korte ang isang eksena roon kung saan binanggit ang pangalang Vic Sotto.

Tinanong kasi ang bidang si Rhed Bustamante kung totoong ni-rape siya ni Sotto.

“Oo” ang sagot nito.

Of the 19 counts of cyber libel, isang count o bilang lang ang pinagbasehan ng desisyon ng korte.

Ipinagbunyi naman ng pamilya ni Vic ang pagtutok ng korte sa kanyang reklamo.

Samantala, matatandaang hindi man lang natinag si Yap sa ‘di natuloy na pagpapalabas sana nito noong February.

Dahil puno ang playdate, hindi mahanapan ng petsa ang commercial showing nito sa mga sumunod na buwan.

Itinanggi ni Yap na “politically motivated” ang nasabing pelikula.

Ang kuya ni Vic na si Tito Sotto ay tumatakbong senador habang reelectionist sa pagka-mayor ang anak niyang si Vico sa Pasig City. Ronnie Carrasco III