“NAGMAMAKTOL” ang ilan sa kampo ni Vice President Sara Duterte matapos ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na alisin na siya bilang miyembro ng ‘National Security Council,’ sa bisa ng EO 81, na nilagdaan ng huli nitong Disyembre 30, ika-128 komemorasyon nang pagbitay ng mga Kastila kay Gat. Jose Rizal at paglagda ng Pangulo sa ‘2025 national budget.’
Sa utos pa ng Pangulo, kasama sa mga naging ‘Wakali,’ as in, “wala kami sa listahan,” ay ang mga dating pangulo ng bansa– Pang. Erap, PGMA at PDU30.
Bagaman puwedeng malakas ang ‘amats, ehek, malaki ang tama ng mga miron na isa na naman itong “pamumulitika,” — ‘dirty politics’– sulsol pa ni ex-Presidential Legal Counsel Atty. Sal Panelo, meron ding nagsasabi, katulad ni Ka Mentong Laurel, na ang desisyon ay “dikta” na naman ng ‘Tadong Unidos dahil ang mga naiwan nga naman sa NSC ay sagad-sagarang mga “tuta” ng Kano at mga ‘Amboy’ (American boys).
Sa ganang atin, ang aksyon ni PBBM ay hindi na dapat daanin pa sa mga espekulasyon dahil ang kanyang desisyon ay kasama sa kanyang ‘discretionary power’ at kanyang ‘prerogative’ bilang presidente.
Translation? “Weder-weder lang ‘yan!” sabi nga noon ni Pang. Erap.
Samantala, “tuloy” umano ang malakihang rali ng INC ngayong ika-13 ng Enero, na ilulunsad hindi lang dito sa ‘Pinas, bagkus, kung saan mayroong kongregasyon ang INC!
Kumbaga, isa itong ‘Global Event’ bilang suporta sa sinabi ni PBBM na “itigil” na ang ‘impeachment’ kay VP Sara!
May nagsabi rin sa atin na walang balak ang “Kapatiran” na suportahan ang lahat ng mga politikong “nagpabida” sa mga pagdinig ng ‘Quadcomm.
Kung totoo nga, aba’y ‘Goodbye’ na sa inyong lahat ngayong midterm election!
Abangan!