Home NATIONWIDE Pag-amin ni VP Sara sa hitman, malinaw na betrayal of public trust...

Pag-amin ni VP Sara sa hitman, malinaw na betrayal of public trust – House prosecution

1
0

MANILA, Philippines – Malinaw na ang pakikipag-areglo ni Vice President Sara Duterte  sa isang hitman upang patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sakaling siya mismo ay mapatay ay isa nang betrayal of public trust, isa sa mga konstitusyonal na batayan para sa impeachment, ayon kay House trial spokesperson Zia Alonto Adiong.

Ayon kay Adiong bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay dapat si VP Duterte ang nagsusumbong sa mga awtoridad kung may ganitong pagbabanta at hindi sya mismo pa ang nakikipagnegosasyon.

“The mere fact that she had that idea and made an understanding, an agreement with a person whose livelihood is sourced out from killing people, is already a betrayal of public trust. She is expected to uphold the law, she is expected to promote the rule of law that no one should take justice into their own hands,” dagdag pa ni Adiong.

Sinabi ni Adiong na ang layunin ng ebidensya ng prosecution na kanilang inihaharap sa Senate impeachment court ay hindi lamang upang patunayan na tunay ang mga naitalang banta ni Duterte, kundi upang ipakita rin ang epekto ng mga banta sa buong bansa.

“I think it’s not only about establishing the veracity and the authenticity of these video clips, but more important is what the effect of the threats that she made against the President to the whole nation,” ani Alonto Adiong.

Sa panig ni Deputy Speaker Paolo Ortega sinabi nito na ang grave theats  ang may pinakamalakas na ebidensya laban kay VP Duterte.

Ang mga pahayag na ito ni Ortega ay matapos simulan ng House prosecutors ang presentasyon ng ebidensya sa Article IV kung saan tumestigo si National Bureau of Investigation (NBI) Senior Agent John Mark Calilung.

Inauthenticate ni Calilung ang recording ng Nov. 23, 2024 online media briefing ni Duterte, kung saan sinabi niyang may kinontrata siyang tao para patayin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kapag siya mismo ay napatay.

Gayundin ay inauthenticate din niya ang mga opisyal na pahayag na inilabas ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Security Council, at iba pang ahensya ng gobyerno na tumugon sa mga pahayag bilang seryosong usapin ng seguridad. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here