Home NATIONWIDE Pag-amiyenda sa EPIRA, pag-alis sa system loss, VAT hinimok na gawing LEDAC...

Pag-amiyenda sa EPIRA, pag-alis sa system loss, VAT hinimok na gawing LEDAC priority

1
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta si Murang Kuryente Party-list Rep Arthur Yap sa direktiba ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), partikular ang pag-aalis sa systems loss charges at ang Value-Added Tax (VAT) kasabay nito, nanawagan ang mambabatas na sertipikahan ito bilang ppriority measures.

Ayon kay Yap isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapababa ng singil sa kuryente at pagbibigay ng patas na sistema sa mga konsyumer ang naging hakbang ng Malacanang.

Bunsod nito, umaasa si Yapna ang kanyang inihain na twin bills ay tuluyan nang magiging prayoridad na hakbang ng LEDAC: Ang House Bill No. 9218 na  naglalayong i-regulate ang pass-through charges at tuluyang alisin ang systems losses gayundin ang House Bill No. 8415 na  naglalayong alisin ang VAT na ipinapataw sa systems loss charges.

Ayon kay Yap, ang mga panukalang ito ay matagal nang dapat ginawa at kailanganng agarang atensyon ng Kongreso.

Bukod dito, maghahain din ang mambabatas ng sarili niyang mga amyenda sa EPIRA law na nakatutok sa pagpapataas ng transparency, pagpapababa ng mga singil, at pagpapalakas sa proteksyon ng mga konsyumer..

Nagpasalamat din siya sa Pangulong Marcos sa pagbibigay-prayoridad sa mga reporma sa sektor ng enerhiya.

“Access to affordable electricity is no longer merely a necessity, it is fundamental to economic growth, national competitiveness, and improving the quality of life of every Filipino. As an upper middle-income country, we must pursue policies that make electricity more accessible, reliable and affordable for all,” pagtatapos pa ni Yap. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here