Home NATIONWIDE Pag-decriminalize ng libel, cyber libel ipinanawagan ng CHR

Pag-decriminalize ng libel, cyber libel ipinanawagan ng CHR

235
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Kongreso na pabilisin ang pagpasa ng batas na magtatanggal ng pagkakakulong sa libel at cyber libel upang maprotektahan ang mga mamamayan at mamamahayag, at mapanatili ang malayang civic participation.

Ayon sa CHR, ang imprisonment para sa libel ay nakakasagasa sa freedom of expression at nagiging paraan ng legal harassment sa media, aktibista, at ordinaryong mamamayan.

May tatlong panukala sa Kamara (HB 1188, HB 441, HB 6187) at tatlong panukala sa Senado (SB 810, SB 476, SB 250) para palitan ang pagkakakulong ng civil remedies.

Iminungkahi ng CHR ang amendment sa Article 355 ng RPC at Section 4(c)(4) ng Cybercrime Law, habang pinapanatili ang civil liability sa defamation. Layunin din ng reporma na:

–Magbigay ng human rights–based training sa law enforcers at hudikatura

–Palakasin ang proteksyon sa media at human rights defenders

–Magdaos ng multi-stakeholder consultations upang repasuhin ang defamation laws

“Ultimately, this issue goes beyond law and policy. It affects the ability of every Filipino to speak, participate, and hold power to account,” ayon sa CHR. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here