Home METRO Kagamitan, armas ng mga NPA, nasamsam sa Isabela

Kagamitan, armas ng mga NPA, nasamsam sa Isabela

372
0

ISABELA, Philippines – Bilang tugon sa direktiba ni Acting Provincial Director PCol. Manuel Bringas ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay  nasamsam ng Isabela Police Provincial Mobile Force Company (IPMFC) ang isang arms cache o kagamitan na pagmamay-ari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Diwagden, Barangay San Jose, San Mariano, Isabela ngayong araw, (January 28, 2026).

Ayon kay PCol. Bringas, ang operasyon ay bahagi ng isang Major Combat Operation na isinagawa ng 4th Platoon, 1st IPMFC, katuwang ang iba’t ibang yunit ng PNP at ang 95th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pagkakatuklas sa mga nakabaong armas ay nagmula sa impormasyong ibinigay ng isang dating rebelde.

Narekober ang iba’t ibang pampasabog, bala, magazine, at kagamitang medikal. Ang mga ebidensya ay dinala sa 1st IPMFC Headquarters para sa dokumentasyon, habang ang mga pampasabog ay itinurn-over sa Isabela PECU para sa tamang disposisyon.

Tiniyak ng kapulisan ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at walang puwang ang mga terorista sa lalawigan. dagdag na pahayag ni PCol.Bringas. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here