Home NATIONWIDE China, kinondena ng 15 senador sa pag-atake sa PH official: ‘No right...

China, kinondena ng 15 senador sa pag-atake sa PH official: ‘No right to silence Pinoy’

204
0

MANILA, Philippines – Matinding kinondena ng labing-limang senador sa pamamagitan ng isang resolusyon ang pag-atake ng Chinese embassy sa opisyal ng Philippine Coast Guard dahil taliwas ang inugali ng embahador bilang miyembro ng diplomatic community.

Sa unnumbered draft resolution, nanawagan ang mga senador sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang gumawa ng kaukulang diplomatic measures upang itaguyod ang dignidad ng Pilipinas at tiyakin na sumasailali ang relasyon ng bansa sa ibang nasyon alinsunod sa itinakda ng international law at naitayong prinsipyo ng state realations.

Kinondena ng mga senador ang huling public remarks na ipinalabas ng Chinese embassy na itinuturing nila bilang “contrary to accepted standards of diplomatic conduct and mutual respect between states.”

Iginiit din sa resolusyon na  may sovereign right ang Pilipinas at responsibilidad na itakda, ilaban at idepensa ang opisyal na posisyon at pambansang interes alinsunod sa itinakda ng international law.

Kabilang sa lumagda sa resolusyon sina:

1.     Senate President Vicente “Tito” Sotto III

2.     Panfilo “Ping” Lacson

3.     Juan Miguel “Migz” Zubiri

4.     Francis “Kiko” Pangilinan

5.     Risa Hontiveros

6.     Erwin Tulfo

7.     Raffy Tulfo

8.     Sherwin Gatchalian

9.     Loren Legarda

10.  JV Ejercito

11.  Jinggoy Estrada

12.  Bam Aquino

13.  Lito Lapid

14.  Camille Villar

15.  Mark Villar

Sa kanyang manipestasyon nitong Lunes sa plenaryo, nanawagan si Pangilinan sa Mababang Kapulungan na magpalabas ng katulad na pahayag at pagtibayin ang hiwalay na resolusyon.

“Now is the time for the country – the Executive, the Legislative branches of government to unite behind what I believe to be a bullying of a super power. And I believe the only way to deal with the bully is to stand up to it,” ani Pangilinan.

Naunang naghain ng diplomatic protest ang China laban kay  Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela hinggil sa social media posts laban sa kanilang lider.

Ngunit, pinandigan ni Tarriela na base sa factual account ang kanyang pahayag.

Kasabay nito, iginiit naman ni Hontiveros sa kanyang privilege speech na walang karapatan ang sinumang dayuhan na patahimikin ang mga Filipino sa loob ng ating lupain.

“The Embassy has clearly violated Article 41 of the Vienna Convention on Diplomatic Relations, which mandates that foreign envoys must not interfere in the internal affairs of their host state. Censuring a Filipino official’s internal discourse constitutes a breach of this protocol,” ani Hontiveros.

“Hindi nila pwedeng sabihin kung paano tayo dapat mag-isip at mamuna, lalo na kapag ang pinag-uusapan ay ang interes ng bayan, at teritoryo natin. No embassy gets to decide who among Filipino officials is ‘qualified’ to speak on Philippine interests,” dagdag niya.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here