Home OPINION Pag-IBIG HEAL: KARAGDAGANG PONDO MAAARING GAMITIN SA HOUSING LOAN

Pag-IBIG HEAL: KARAGDAGANG PONDO MAAARING GAMITIN SA HOUSING LOAN

MAS abot-kaya at mas pinadali ang pag-avail ng dagdag na pondo para sa mga miyembro ng Pag-IBIG na may housing loan, sa tulong ng Home Equity Appreciation Loan o Pag-IBIG HEAL. Ito ay isa sa mga loan program ng Pag-IBIG Fund na nagbibigay sa mga kwalipikadong housing loan borrowers na magamit ang halaga ng kanilang property upang makakuha ng pondo para sa pagpapa­-re­novate ng bahay o pagtugon sa iba pang mahahalagang gastusin.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, ang Pag-IBIG HEAL ay isang praktikal at abot-kayang solusyon para sa mga Pag-IBIG Housing Loan Borrowers. “Habang tumataas ang halaga ng kanilang tahanan, maaari ni­lang magamit ito at mapagkunan ng pondo para sa mahahala­gang pangangailangan,” ani Acos­ta.

Idinagdag pa niya, “Nauunawa­an naming hindi natatapos sa ­unang housing loan ang panga­ngailangang pinansyal ng aming mga miyembro. Sa pamamagitan ng Pag-IBIG HEAL, mayroon silang madali at abot-kayang pa­­raan upang makakuha ng ka­ragdagang pondo na maaari ni­lang gamitin sa pagpapaganda ng kanilang tahanan, pagharap sa gastusin ng pamilya, o pagtugon sa iba pang obligasyong pi­nansyal.”

Bukas ang Pag-IBIG HEAL pa­ra sa mga Pag-IBIG Housing Loan borrowers na may accounts na hindi bababa sa limang taon. Si­la ay dapat in good standing, at dapat ay updated ang pagbabayad sa loob ng nakaraang labin­dalawang buwan. Dapat ding aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund, hindi lalampas sa 65 taong gulang, at may kakayahang bayaran ang kanilang karagdagang loan.

Maaaring makahiram ng hanggang anim na milyong piso (Php 6 milyon pesos) ang isang kwalipikadong housing loan borrower, mula sa Pag-IBIG HEAL, na nakabatay naman sa kanyang kakayahang magbayad o sa netong halaga base sa 60% ng la­test appraised value ng pro­perty ng borrower na nabili sa tulong ng Pag-IBIG Housing Loan at balanse ng nasabing loan.

Para sa karagdagang impormasyon at para makapag-apply sa Pag-IBIG HEAL, maaaring bumisita sa alinmang sangay ng Pag-IBIG Fund o i-click ang link na ito: Checking your browser – reCAPTCHA