Home NATIONWIDE Pag-import ng langis mula Russia ikinokonsidera ng Pilipinas

Pag-import ng langis mula Russia ikinokonsidera ng Pilipinas

231
0

MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ng Pilipinas ang pag-aangkat ng langis mula Russia kasunod ng pansamantalang pag-aalis ng oil sanction sa Russian crude oil na bumibiyahe sa karagatan, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro nitong Biyernes, Marso 13.

Ito ang sagot ni Lazaro sa virtual press matapos mag-convene ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) foreign ministers, sa tanong kung ikinokonsidera ba ng bansa ang pag-iimport mula sa Russia sa kabila ng global energy disruptions dulot ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

“That is something which is being considered, but I will leave this to the office, or rather to the Cabinet member in charge of this, and that is the Department of Energy,” ani Lazaro.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, 98 porsyenteo ng crude oil para sa domestic supply ay mula Middle East kung saan karamihan ng mga kargamento ay dumadaan sa Strait of Hormuz na ngayon ay hinaharang ng Iran.

Pansamantalang pinayagan ng US ang paghahatid at pagbebenta ng na-sanction na Russian crude oil at petroleum products na nakakarga sa mga barko hanggang Marso 12, at maibyahe ang mga ito sa loob ng isang buwan o hanggang Abril 11.

Layon ng waiver na mapahupa ang lumulobong presyo ng produktong petrolyo sa iba’t ibang bansa dahil sa sigalot sa Middle East. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here