MANILA, Philippines – Malapit nang matapos ang pag-imprenta ng balota na gagamitin para sa 2025 elections kung saan nasa 92% ng 72 milyong balota na kailangan ang naimprenta na.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, target nilang mapabilis ang manual at machine verification ng naimprenatng balota upang makamit ang deadline para sa disribusyon ng mga balota. Sa ngayon, nasa 32 milyong naimprentang balota na ang naberipika.
Ayon kay Garcia, dapat mapabuti ang kanilang verification process kaya naman kailangang magtanggal ng gamit sa National Printing Office upang lumuwag ang espasyo at madagdagan ng makina at tao na mag-verify.
Kailangan aniya na makapag-verify ng kahit halos 1.2 milyon na balota s aisang araw para makaabot sa self-imposed daedline para sa distribusyon ng mga balota.
Ipinagpatuloy ang ballot printing noong Enero 27, 2025 matapos itong masuspinde kasunod ng issuance ng Supreme Court ng temporary restraining orders laban sa diskwalipikasyon ng ilang kandidato.
Nauna nang sinabi ni Garcia na 1.7 milyong balota ang layong maimprenta sa isang araw na matatapos ng buwan ng Marso at hanggang Abril naman ang ballot verification. Jocelyn Tabangcura-Domenden