MANILA, Philippines – Dapat magpaabot ng suporta ng pamahalaan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte habang siya ay humaharap sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC), sinabi ni dating Senador Panfilo Lacson.
“More than being a former president of our country, FPRRD is a Filipino who will face trial in an international court. Our government must not lose sight of its obligation, as a matter of policy, to extend support to ALL Filipinos, as we consistently do, even to those already convicted and facing executions beyond our jurisdiction,” ayon kay Lacson.
Nag-isyu ng pahayag ang administration senatorial candidate isang araw matapos arestuhin si Duterte na ngayon ay patungo nang The Netherlands para harapin ang mga reklamo ng crimes against humanity.
Si Lacson ang ikalawang senatorial candidate mula sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate sa pagkakaaresto kay Duterte.
Nitong Martes, naawa si administration-backed reelectionist Senator Imee Marcos sa nangyari kay Duterte. RNT/JGC