MANILA, Philippines – ITINIGIL muna ang produksyon ng National ID cards matapos ang terminasyon ng isa sa mga kontrata sa ilalim ng programa.
Ito ang sinabi ng AllCard Inc. (ACI) subalit iginiit na hindi ito ang dahilan ng pagkaantala.
Sa isang panayam, kinumpirma ni ACI President Roy Ebora na ang printing ng ID cards ay itinigil mula nang ma-terminate ang kontrata.
Sa ulat, ang ACI ay may hawak na dalawang kontrata sa ilalim ng national ID program. Ang isa ay Lot 1 para sa produksyon ng blank cards at Lot 2 para sa card printing.
Sa pagtatapos ng Lot 1, sinabi ng ACI na hindi pa ito nakakukuha ng payo mula sa BSP kung paano itutuloy ang operasyon para sa Lot 2.
“We’re now in a predicament where we have two contracts with the BSP where one contract is dependent on the other contract. But the other contract cannot proceed because BSP terminate the first contract,” ayon kay Ebora.
Sa ulat, may 60 milyong cards ang na-produce o nagawa sa ilalim ng Lot 1 contract subalit hindi lahat ay na-print.
“Around 53 million to 55 million of that have already been personalized… Definitely there will be cards that will be wasted because it will not go to Lot 2 which is the personalization of cards,” ang sinabi ni Ebora.
Ang ACI ay kasama na sa government printing projects simula pa noong 2010, kabilang na ang card solutions para sa UMID cards ng Social Security System at Government Service Insurance System, Pagibig Loyalty cards, at driver’s license cards ng Land Transportation Office (LTO).
Sinasabing tinapos ng Monetary Board ng BSP ang Lot 1 contract nito sa ACI noong nakaraang linggo dahil sa ‘non-compliance’ ng contract terms.
Ayon naman sa Bangko Sentral, inatasan na pangasiwaan ang produksyon ng National ID cards na “it is prohibited from disclosing matters related to the pending arbitration of the contract.”
Para naman sa ACI, pinananatili ng kompanya ang pagtalima nito sa requirements ng BSP sa kabila ng limitasyon sa produksyon sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ani Ebora, “the hiccups in card production stemmed from the materials supplier for the cards.”
“Concerns on the materials supplier were communicated to the BSP since 2021,” aniya pa rin.
“Aside from the COVID years, we also had challenges when it comes to certain materials that were sensitive to the project… We were able to escalate that because that particular material was chosen by the BSP. Unfortunately, we were not heard by the BSP in terms of our disputes with them,” ang pahayag ni Ebora.
Binigyang diin ni Ebora na ang pagkakasama nila sa programa ay sa card production lamang na nasa tail-end ng proyekto.
“We’re just printing the cards. The project actually is divided into several parts, where the PSA is the one executing it. There’s the data gathering. There’s the data processing side of the project,” ang sinabi ni Ebora.
“I hope the national government sees this project in totality, holistically. What were the real reasons in terms of the delay in the project,” aniya pa rin.
Samantala, sa kabila ng kontrobersiya, sinabi ng ACI na handa itong ipagpatuloy ang kanilang responsibilidad sa national ID program.
Handa rin ang kompanya na ipatawag para sa Senate investigation para makita at mabusisi ang usapin. Kris Jose