MANILA, Philippines – Inihinto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paggawa ng PhilSys ID cards dahil sa problema sa printing, ngunit patuloy ang rehistrasyon nito para sa national ID.
Ayon kay Ma. Fides Wilma Marquez ng PSA, may 90 milyon Pilipino na rehistrado at may PhilSys numbers na, na nagpapatunay ng uniqueness ng bawat isa gamit ang biometric data.
Saad pa ng PSA na hindi pa malinaw kung kailan magsisimula ulit ang pag-print. Gayunman, maaaring gamitin ang digital version ng ID sa eGovPH app.
Kasalukuyan ring ini-prioritize ang mga batang edad 0–4, kahit wala pa silang biometric capture. RNT/MND