MANILA, Philippines- Sinabi ng National Bureau of Investigation na walang problema sa hiling ni Vice President Sara Duterte na i-reschedule ang pagpapatawag sa kanya para ipaliwanag ang umano’y banta niya laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ipinatatawag ng NBI si Duterte sa punong tanggapan sa Biyernes, Nob. 29, para ipaliwanag ang kanyang pahayag na nag-utos siyang patayin sina Marcos, Speaker Martin Romualdez, at First Lady Liza Araneta-Marcos sakaling magtagumpay ang isang planong pagpatay sa kanya.
Ang batas ay nag-uutos sa NBI na tingnan ang mga banta laban sa Pangulo, Bise Presidente, at iba pang opisyal, dagdag niya.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, hindi sila maaaring manahimik dahil may banta, may plano ng pag-atake.
Sinabi ng Department of Justice (DOJ) nitong Martes na maaring maharap si Duterte sa reklamong libel, defamation at grave threat dahil sa kanyang pahayag laban sa Pangulo.
“Common sense should be enough for us to understand and accept that a supposed conditional act of revenge does not constitute to an active threat. This is plan without a flesh,” ayon naman sa bise presidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden