Home SPORTS Kevin Quiambao ng La Salle kokoronahang  UAAP MVP

Kevin Quiambao ng La Salle kokoronahang  UAAP MVP

SA PAGPAPAKITA ng kanyang husay sa buong season, si Kevin Quiambao ay nakatakdang koronahan bilang back-to-back MVP.

Nakatayo ang Gilas Pilipinas forward sa ibabaw ng field at muli siyang magiging top individual achiever pagkatapos pangunahan ang La Salle sa top seed ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament.

Si Quiambao ay nakakuha ng 81.357 statistical points (SPs) mula sa kanyang league-best na 16.64 points mula sa 30.69-percent shooting mula sa deep, kasama ang kanyang 8.64 rebounds (sixth-best sa liga), 4.07 assists (fourth-best), at 1.0 steal sa 30 minuto ng paglalaro.

Siya ang magiging ikalimang Lasallian na mag-claim ng back-to-back UAAP MVP honors pagkatapos ni Ben Mbala (2016 at 2017), Don Allado (1998 at 1999), Mark Telan (1996 at 1997), at Jun Limpot (1987 at 1988).

Ang taga-Bayanan, Muntinlupa din ang unang lokal na nakamit ang tagumpay mula nang gawin ito ni Kiefer Ravena ng Ateneo noong 2014 at 2015.

Pumangalawa ang kanyang kapwa Green Archer na si Michael Phillips  sa MVP race na may 74.928 SP na pinalakas ng kanyang 12.0 points (seventh-best), 11.57 boards (third-best), 1.71 steals (second-best), at 1.07 blocks (fourth-best) .