Home METRO Pag-uutos ng SC na ibalik sa Pinas si Duterte imposible – abogado

Pag-uutos ng SC na ibalik sa Pinas si Duterte imposible – abogado

MANILA, Philippines- Dahil hindi na miyembro ng International Criminal Court (ICC) ng Pilipinas, sinabi ni ICC accredited lawyer Atty. Joel Butuyan na imposibleng iutos ng Korte Suprema na maibalik sa bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang maaresto noong Marso 11.

“Imposible na mangyari ‘yan kasi hindi naman respondent ang ICC sa kasong ‘yan,” pahayag ni Butuyan nang tanungin kung maaari bang mag-utos ang Korte Suprema sa gobyerno ng Pilipinas na ipag-utos sa ICC na ibalik si Duterte sa bansa.

Sa Meet the Press forum, sinabi ni Butuyan na ang Korte Suprema ay hindi kayang magbigay ng utos sa mga hindi kalahok na kaso lalo na sa mga internasyonal na organisasyon.

Ayon pa kay Butuyan, walang hurisdiksyon ang SC sa ICC kaya hindi ito maaring mag-utos.

Kamakailan ay naghain ng writ of habeas corpus ang mga anak ng dating Pangulo upang maalaya ang kanilang ama mula sa pagkakakulong sa The Hague, Netherlands, kung saan siya ay nahaharap sa crimes against humanity dulot ng kanyang war on drugs. Jocelyn Tabangcura-Domenden