Home ENTERTAINMENT Kim, nilinaw, di iniligwak ng ineendorsong bakeshop!

Kim, nilinaw, di iniligwak ng ineendorsong bakeshop!

Manila, Philippines – Hindi naman pala iniligwak si Kim Chiu ng ineendorso niyang bakeshop contrary to earlier reports.

Kumalat kasi sa social media ang photo kung saan tinakpan ang mukha ng TV host-actress sa tarpaulin ng sikat na bakeshop.

Agad ikinunek ito ng mga netizens sa naging spiel ni Kim sa It’s Showtime.

May pagbanggit kasi sa salitang “dasurv.”

Patama raw ‘yon sa nangyaring pag-aresto ng Interpol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil umano sa mga crimes against humanity kaya pinapanagot si Digong ng ICC o International Criminal Court sa The Hague sa The Netherlands.

Agad namang umaksyon ang pamunuan ng bakeshop na nagpadala ng bulaklak at liham kay Kim.

It’s the bakeshop’s way of assuring Kim na walang kinalaman ang kanyang spiel.

Kinongratuleyt pa in advance ng naturang bakeshop ang tiyak na tagumpay sa takilya ng magso-showing na pelikula ni Kim kasama si Paulo Avelino.

Sa nakaraang episode ng It’s Showtime, inanunsyo ito ni Kim.

Nagpasalamat pa ang TV host sa bakeshop na itinuturing niyang pamilya.

So there. Ronnie Carrasco III