Home METRO Pagadian Airport isang buwang isasara

Pagadian Airport isang buwang isasara

MANILA, Philippines – Isasara ang paliparan sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur ng hindi bababa sa isang buwan dahil sasailalim ito sa pag-aayos ng runway, sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na naglabas na ng Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay ng pagsasara ng paliparan ng Pagadian mula Abril 15 hanggang Mayo 15.

Aniya, kailangan ang pagkukumpuni para mapaganda ang serbisyo sa mga pasahero ng eroplano.

Dahil dito, parehong naglabas ng kani-kanilang advisory ang Cebu Pacific Air (CEB) at Philippine Airlines (PAL) sa kani-kanilang mga kliyente.

Sinabi nito na kakanselahin nila ang mga flight papunta at mula sa Cebu at Manila, kabilang ang Flights DG 6639 at 6640 (Cebu – Pagadian – Cebu); Flights DG 6641 and 6642 (Cebu – Pagadian – Cebu), and Flights 5J 771 and 772 (Manila – Pagadian – Manila) at Flights 5J 773 and 774 (Manila – Pagadian – Manila).

Gayunpaman, nagpaplano ang pamunuan ng karagdagang recovery flights patungong Ozamiz, kung saan ang mga apektadong pasahero ay awtomatikong muling sasaluhin. Ito ang mga Flight DG 6795 at 6796 (Cebu – Ozamiz – Cebu) at Flights 5J 3191 at 3192 (Manila – Ozamiz – Manila).

Ang mga apektadong pasahero ay maaari ring mag-rebook ng mga flight papuntang Dipolog at Ozamiz, kabilang ang Flights DG 6603 at 6604 (Cebu – Dipolog – Cebu); DG 6605 at 6606 (Cebu – Dipolog – Cebu); DG 6791 at 6792 (Cebu – Ozamiz – Cebu); DG 6793 at 6794 (Cebu – Ozamiz – Cebu); 5J 703 at 704 (Manila – Dipolog – Manila); 5J 705 at 706 (Manila – Dipolog – Manila); 5J 781 at 782 (Manila – Ozamiz – Manila) at 5J 783 at 784 (Manila – Ozamiz – Manila).

Nag-aalok ang CEB sa mga pasahero ng opsyon na gumawa ng flight rebooking o rerouting, mag-imbak ng travel fund sa isang valid na CEB wallet, o tumanggap ng buong refund ng kanilang ticket.

Sa bahagi nito, sinabi ng PAL na magsasagawa rin ito ng flight rerouting, at idinagdag na ang Dipolog ay magsisilbing alternatibong gateway para sa mga pasaherong bumibiyahe papunta at pabalik sa Pagadian area. RNT

Previous article50K na patay na manok inilibing sa poultry farm sa Leyte
Next articleDating police asset patay sa pamamaril sa Paranaque